^

Police Metro

Pag ako’y namatay si Du30 ang may sala-D5

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mairita  sa kumalat na balita sa isang ‘fake news website’ sa diumano’y pagpapatiwakal sa loob ng PNP Custodial Center, sinabi ni Senadora Leila de Lima na kapag siya’y tuluyang pinatay ay walang ibang may kasalanan kundi si Pangulong Rodrigo “Digong “ Duterte .

 Para kay De Lima, ang pagpapakalat ng “fake news” tungkol sa kanyang diumano’y pagpapakamatay ay isang paraan upang ikondisyon ang isipan ng mga mamamayan.

 “If I die inside Duterte’s prisons it is not because I committed suicide, but it is because the President has finally ordered me killed. In the unfortunate event that I die in prison, you all know who my murderer is,” pahayag ni de Lima.

 Ayon pa kay De Lima, mas naging determinado siya ngayon na labanan ang rehimen na tinawag niyang “murderous, incompetent, at corrupt”.

Sinabi ni De Lima na wala sa kaniyang hinagap ang magpakamatay sa kabila ng mabigat na pagsubok sa kaniyang buhay. Idinagdag ni De Lima na naglipana pa ang death squad ni Pangulong Rodrigo Duterte  kabilang na ang pumatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob mismo ng kanyang kulungan at aminadong nangangamba para sa kaniyang buhay.

 “Kaya nga kinatatakutan ko na baka ako ay ‘ma-Espinosa’ dito sa loob ng PNP Custodial Center, at papalabasin nilang ako ay nag-suicide. Ito lamang po ang dahilan ng pagpapakalat ng mga fake news na ito at mga sinabi ni Speaker Alvarez na ako ay nasisiraan na ng bait,” sabi ni De Lima.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with