^

Police Metro

Mag-asawang Duterte binihag

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinukot ng hindi pa nakilalang pitong mga armadong kalalakihan ang mag-asawang Duterte na ka-apelyido ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong”  Duterte matapos na puwersahang pasukin ang tahanan ng mga ito sa Brgy. Sta Maria, Siocon, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng gabi.

 Ayon sa mga opis­yal ng militar at pulisya, kasalukuyan pa nilang inaalam kung kamaganak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-asa­wa­ng biktima na hindi naman umano mayaman at karaniwan lamang ang pamumuhay.

Kinilala ang mga biktima na sina Jose Duterte, 62 anyos at misis nitong si Jessica Barazon Duterte, 52 taong gulang, residente ng nabanggit na lugar na may pag-aaring niyugan.

Base sa report , sinabi ni AFP - Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Edgard Arevalo, nangyari ang pagdukot sa mag-asawang Duterte sa loob ng tahanan ng mga ito sa nasabing lugar bandang alas-8 ng gabi.

Sa imbestigasyon, kasalukuyan nang nagpapahinga ang mag-asawa sa kanilang tahanan nang bigla na lamang pasukin ng limang mga armadong kalalakihan  habang dalawa pa ang nagsilbing lookout sa labas.

Walang nagawa ang mag-asawa matapos na kaladkarin ng mga kidnappers pasakay sa naghihintay ng mga itong bangka sa may dalampasigan saka tumahak patungo sa hindi pa mabatid ng destinasyon.

Nagsasagawa na ng search and rescue o­perations  ang pinagsanib  na elemento ng pulisya at Army’s 13th Special Forces upang buhay na masagip ang mag-asawa at maaresto ang mga suspek. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kasong ito upang matukoy ang grupong nasa likod ng pagbihag sa mag-asawa.

vuukle comment

RODRIGO “DIGONG” DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with