^

Police Metro

Trader itinumba

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasawi makaraang tambangan  ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Zabarte Road, Fairview, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Police Supt. Alex Alberto ng QCPD ang biktima na kinilalang  si Paul Michael Esguerra, dakong alas-5 ng umaga ay nagpapa-gasolina lamang ng kanyang motorsiklo nang maganap ang krimen.

Sinabi ng opisyal, bigla na lamang nilapitan ang biktima ng dalawang armadong lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril partikular na sa ulo nito.

Nang makitang patay na ang biktima ay agad namang tumakas ang mga salarin at saka sumakay sa isang motorsiklo na naghihintay sa di kalayuan sa crime scene.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa negosyo ang ugat ng krimen dahil ang biktima ay may-ari ng isang bar sa nabanggit na lugar. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

vuukle comment

ALEX ALBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with