^

PM Sports

2-0 si Amit, Centeno may tsansa pa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang sunod na panalo agad ang kinubra ni two-time world champion Rubilen Amit para sa magandang simula ng kanyang kampanya sa prestihiyosong 2017 Amway eSpring International Women 9-Ball Championship kahapon sa Taipei Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Pinabagsak ng 2009 at 2013 World Pool Ten-Ball titlist na si Amit si Pia Blaeser ng Germany sa pamamagitan ng 7-2 panalo sa kaniyang unang laro at sinundan ito ng Cebu pride  ng 7-0 panalo laban kay Woo-Jin Lee ng South Korea.

Bunga ng mga panalong ito ng 35-anyos na si Amit, hawak na niya ang solong pamumuno sa Group E dahil sa kanyang malinis na 2-0 rekord.

Sunod na makakasagupa ni Amit sina Han Yu ng China at Hsieh Yu-Wen ng Chinese-Taipei kung saan isang panalo na lamang ang kanyang kailangan upang makahirit ng tiket sa knockout stage.

Sa kabilang banda, lumasap naman ng kabiguan ang nagdedepensang si Chezka Centeno matapos ipanalo ang kanyang unang laro.

Gayunpaman ay buhay pa ang kanyang tsansang maipagtanggol ang kaniyang titulo sa kanyang 1-1 rekord sa Group A ng torneong nakalaan ang tumataginting na $93,400 papremyo tampok ang $34,000 para sa magkakampeon.

Ginulantang ni Centeno si dating world champion na si Jasmin Ouschan, 7-3 ngunit nakawala sa kanya ang panalo laban kay  Kristina Tkach ng Russia matapos isuko ang  6-7 dikit na kabiguan.

Kailangan ni Centeno na maipanalo ang kaniyang huling laro laban kina Liu Shin-Mei at Wu Hsiao-Wen ng Chinese-Taipei upang makahirit ng tiket sa main draw.

Pare-parehong may 1-1 baraha sina Centeno, Ouschan, Liu, Tkach at Wu.

Pinayuko ni Liu si Tkach (7-1) habang nanaig naman si Ouschan kay Wu (7-1). Ginapi naman ni Wu si Liu (7-2).

Tanging ang tatlong mangungunang manla-laro lamang sa bawat grupo ang siyang papasok sa 24-player knockout stage.

 

 

vuukle comment

RUBILEN AMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with