^

Probinsiya

Mag-aama sugatan sa Granada

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines - Dalawang menor-de-edad kasama ang kanilang ama ang nasugatan sa pagsabog ng granada na inihagis ng di pa nakikilalang mga suspek sa isang apartment sa lungsod kahapon ng madaling araw. Hindi naman pinangalanan ng pulisya ang may-ari ng naturang apartment na empleyado ng Matanog LGU, at mga biktima dahil na rin sa pakiusap nila para sa kanilang kaligtasan. Sa ulat, pasado ala-1 ng madaling-araw nang may naghagis ng ‘di pa natukoy na uri ng granada sa naturang apartment na nasa Rosal Street, Brgy. Rosary Heights 6 ng lungsod. Nadamay sa pagsabog ang isang Isuzu pick up na may plakang LEY 548. Kaugnay nito, sisiyasatin ng pulisya ang CCTV footages ng naturang apartment at mga kapitbahay nito para magkaroon ng lead sa naturang kaso. 

 

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with