^

Probinsiya

60-anyos lolo inutas ng tandem

Francis Elevado, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Patay ang isang 60-anyos na lolo makaraang barilin ng shotgun ng riding-in-tandem sa bahagi ng Purok Maligaya, Brgy Poblacion, Mandaon, Masbate kamakalawa. Idineklarang dead-on-arrival sa Mandaon Community Hospital ang biktimang si Esmiraldo Miguel, ng nasabing barangay makaraang magtamo ng tama ng bala ng shotgun sa kanyang katawan ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Matapos na masigurong patay na ang biktima agad na tumalilis ang suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa direksyon ng Brgy. Tumalaytay, Mandaon. Dakong 6:45 ng gabi, ang biktima ay kararating lamang ng kanilang bahay sakay ng kanyang motorsiklo nang biglang dumating ang mga suspek at walang habas na pinutukan. May posibilidad umano na matagal na alitan sa lupa ang ugat ng krimen. Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek. 

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with