^

Probinsiya

‘Mastermind’ sa ‘rent-sangla’ scam, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak na sa mga ele­mento ng Highway Patrol Group (HPG) ang pinaghihinalaang mastermind ng ‘rent-sangla’ scheme sa isinagawang pagsalakay sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa ng gabi.

 Ayon sa Laguna Police, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Francisco Pano ng Regional Trial Court Branch (RTC) Branch 93, nadakip sa kanyang tahanan sa Poblacion dakong alas-8:30 ng gabi ang sinasabing utak ng multi-million peso “rent-sangla” scheme na si Rafaela Anunciacion, 56-anyos na umano’y bumiktima ng maraming nagmamay-ari ng sasakyan na pinarerenta at isinasangla ng sindikato.

 Una nang nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang live-in partner ni Anunciacion na si Tychicus Nambio sa operasyon sa lalawigan dahil sa reklamo ng mga vehicle owners.

 Bukod kay Anunciacion, kabilang pa sa mga nahaharap sa kasong kriminal ay sina Eleanor Rosales, Anastacia Cau­yan at Jhennelyn Berroyo, pawang umano’y kasabwat ng dalawang nadakip na pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

 Magugunita na 457 sasakyan ang narekober ng mga awtoridad  sa serye ng operasyon sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon kasunod ng reklamo ng daan-daang biktima ng naturang modus. 

 

vuukle comment

HIGHWAY PATROL GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with