^

Para Malibang

Kylie pinayuhang ‘wag magbasa ng blogs ang mga sasali sa pageants!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Handa na raw ipasa ni Miss International 2016 Kylie Verzosa ang kanyang korona bilang Bb. Pilipinas-International sa bagong mananalo nito sa nalalapit na Bb. Pilipinas pageant.

Nakasama na nga ni Kylie ang mga magiging candidates ng Bb. Pilipinas at ang unang tanong niya sa mga ito ay: “Are you tough enough to wear my crown?”

Nag-share nga si Kylie ng kanyang 13 tips kung ano ang gagawin kapag sumali ka sa isang beauty pageant na tulad ng Bb. Pilipinas.

Dagdag pa ng beauty queen na huwag tumingin sa mga pageant blogs ang mga candidates dahil makakaapekto ito sa confidence nila.

“There is a 99% chance you will get hurt,” diin pa ni Kylie.

Nanalo si Kylie noong nakaraang October 2016 bilang ika-anim na Miss International mula sa Pilipinas. Kaya may karapatan itong magbigay ng tips sa mga aspiring beauty queen.

Heto ang ilang tips ni Kylie na ipinost sa Instagram:

1. Be natural, as natural as you can

2. Practice makes perfect

3. Know who to listen to, and whose opinion matters

4. Follow your intuition, think on your feet

5. Be smart. Head over heart please.

6. Eat (healthy), you need energy. (Especially on stage) Bring chocolates when needed.

7. READ on your free time, bring a book! Expands your vocabulary and knowledge! I’m not supposed to be telling you this lol.

8. If you read pageant blogs, there is a 99% chance you WILL get hurt. (Especially for first timers)

9. Allot time for your social media, use wisely.

10. Workout, lift weights. Diet. (Cookie, or crown?)

11. Boyfriend or crown?

12. Focus. EYES ON THE PRIZE

13. Pray. It’s a tough world out there.

Laban ni Pacquiao sa May na

Hindi na sa buwan ng April magaganap ang laban ni Senator Manny Pacquiao sa boksingerong si Amir Khan sa United Arab Emirates.

Mula sa original date ay na-move ito ng May 20. Hindi pa alam kung saang venue magaganap ang laban ni Pacman.

Nagkaroon ng mahabang meeting sa Las Vegas ang adviser ni Pacman na si Michael Koncz at ang promoter niya na si Bob Arum tungkol sa date ng kanyang laban. Bago kasi napagkasunduan na si Khan ang makakalaban ni Pacman, pinagpilian din sina Kell Brook, Terence Crawford at Jeff Horn. Ang naging runaway winner sa ginawang Twitter poll ay si Khan.

“We decided to move it to May 19 here and May 20 in the United (Arab) Emirates so we’d have time to promote it properly and make it a huge success,” pahayag ni Koncz sa Yahoo Sports.

“I have to talk to both fighters to get them to approve going in May instead of in April. I don’t think that will be a problem.”

First Time Disney magkakaroon na ng baklang karakter!

Sa unang pagkakataon ay magkakaroon ng gay character ang Disney at ito ay kasama sa bagong live-action adaptation ng Beauty and the Beast.

Ayon sa director na si Bill Condon, ang character na si LeFou, ang sidekick ng kontrabida na si Gaston sa istorya ay ilalahad na siya ay isang gay. Ang gaganap rito ay ang aktor na si Josh Gad.

Si Josh Gad ay nakilala dahil sa pagbigay niya ng boses sa character na si Olaf the Snowman sa Disney animated feature na Frozen.

“LeFou is somebody who on one day wants to be Gaston and on another day wants to kiss Gaston,” tawa pa ng director.

“And that’s what has its payoff at the end, which I don’t want to give away. But it is a nice, exclusively gay moment in a Disney movie.”

Nagkaroon ng mixed reaction on social media ang lumabas na balitang ito. Pero maraming natuwang members ng LGBT community dahil sa pagkakaroon ng first gay character ang Disney na mamahalin ng maraming tao tulad ng pagmamahal nila sa mga Disney Princesses.

 

 

 

 

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with