^

PSN Showbiz

Greta ayaw nang makisawsaw sa intriga!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang hindi umaarte si Gretchen Barretto, pero never inisip ng mga tagasubaybay nito na tumigil na siya sa kanyang pag-aartista.

Nakakahinayang lang dahil kung kailan pa siya gumaling bilang artista at saka pa siya aatras. Baka lamang masaya na siya na kapag wala sa harap ng kamera ay tumitigil din ang mga gulo, intriga, at kontrobersya na nagsasangkot sa kanya at sa kanyang pamilya.

AlDub tinalbugan na rin ng KimErald?!

Dapat mamroblema na sina Alden Richards at Maine Mendoza na palabas na ang serye ngayon dahil, itinaob sila ng tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa isang online poll na isinagawa ng isang showbiz website.

Sinabi ng mga sumagot sa online poll na mas panonoorin nila ang balik-tambalan ng KimErald na Ikaw Lang Ang Iibigin kaysa sa unang teleserye ng AlDub na Destined To Be Yours. Nakaka-worry ito dahil matagal nawala ang KimErald samantalang tuluy-tuloy ang galaw ng phenomenal loveteam.

Kung ang LizQuen, JaDine at KathNiel pa ang tumatalo sa kanila ay hindi dapat pagtatakhan, pero ang KimErald, kabaha-bahala na talaga!

Albie hindi pa alam ang gusto sa career

Hindi pa naman 100% sure kung iiwan nga ni Albie Casiño ang kanyang pag-aartista. Baka kapag na-realize niyang hindi naman pala ganun kagrabe ang pinagdaanan niya sa isyung ibinato ni Andi Eigenmann sa kanya. Traumatic ‘yun at hindi agad-agad makakalimutan but he should be thankful na sa halip na maapektuhan ang kanyang karera ay mas gumanda pa ito. Marami siyang projects, nakakatawid siya sa dalawang major networks, pero ang pinakamahalaga ay maganda ang lovelife niya. Aakalain ba niya na makakatagpo siya ng isang babae na pupuno muli ng kanyang buhay?

Ang mahalaga, tapos na ang bahagi ng buhay niya na may kinalaman kay Andi. Bagaman at may kinalaman ito sa balak niyang pagbabago sa kanyang buhay na iniisip ng lahat ay magku-quit siya ng showbiz, sinagot ito ng 23 taong gulang na aktor. Pag-aartista lamang ang kung saka-sakali ay tatalikuran niya. Lalagi rin siya sa industriya pero kung hindi paggawa ng kuwento ay pagdidirek naman ang kanyang gagawin.

“Hindi ko iiwanan ang industriya, mahal ko ito”, aniya.

Janine kailangang may patunayan

Hindi lamang ang pagiging rape victim niya ang poproblemahin ni Grace, ang character na ginagampanan ni Janine Gutierrez sa Legally Blind ng GMA kundi ang pagbubuntis nito bunga ng pagkaka-rape sa kanya. Mas gagrabe pa ang sitwasyon kapag nalaman niyang ang kapatid ng abogado na tumutulong sa kanya (Mikael Daez) at obvious na may gusto sa kanya ang kanyang rapist (Marc Abaya).

Ipinagkaloob na ng GMA ang lahat ng pagkakataon para mailabas ni Janine ang talento na nakuha niya sa kanyang mga kaanak. Makasabay kaya siya o mas umangat pa sa kanila?

 

 

 

 

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with