^

PSN Palaro

Thomas sinapawan si James, Celtics tinakasan ang Cavs

Pilipino Star Ngayon

BOSTON--Alam ng Boston Celtics na ang landas patungo sa NBA Finals ay dadaan sa Cleveland.

Binalaan nila ang defending champs sa kanilang paghahamon para sa Eastern Confe­rence throne.

Kumamada si guard Isaiah Thomas ng 31 points, kasama ang da­lawang go-ahead free throws, para tulungan ang Celtics na talunin si LeBron James at ang Cavaliers, 103-99.

Ang panalo ng Boston ang sumapaw sa pang-pitong triple-double sa season ni James, tumapos na may 28 points, 13 rebounds at 10 assists.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 28 points para sa Cavaliers.

Nagdagdag naman si Jae Crowder ng 17 points at 10 rebounds para sa Celtics.

Tumipa si Deron Williams, pinapirma ng Cleveland ngayong linggo, ng 4 points sa loob ng 24 minuto sa kanyang Cavaliers debut.

Tabla sa 99-99, ang dalawang free throws ni Thomas ang nagbigay sa Boston ng 101-99 abante kasunod ang mintis na jumper ni Irving, habang nahablot ni Tristan Thompson ang rebound at ipinasa kay Williams.

Tumalbog naman ang tira ni Williams na nagresulta sa rebound at dalawang free throws ni Crowder para selyuhan ang panalo ng Celtics.

Sa iba pang resulta, giniba ng New York ang Orlando, 101-90; tinalo ng Washington ang Toronto, 105-96; tinakasan ng Atlanta ang Dallas, 100-95; binugbog ng Miami ang Philadelphia, 125-98; binigo ng Denver ang Milwaukee, 110-98; pinabagsak ng New Orleans ang Detroit, 109-86; nilusutan ng San Antonio ang Indiana, 100-99 at niyanig ng Minnesota ang Utah, 107-80.

vuukle comment

CLEVELAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with