^

True Confessions

Damo Sa Pilapil (Simula)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG mga ninuno ni Zacha­rias ay magsasaka. At naipasa iyon sa kanyang lolo at siyempre pa sa kanyang ama. Talagang pagsasaka lamang ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya. Hindi nakapag-aral ang kanyang lolo samantalang ang kanyang tatay ay Grade 6 lamang ang natapos. At siya ay high school lamang ang natapos. Dalawa silang magkapatid. Ang kanyang ate ay high school din lang ang natapos at wala nang balak pang mag-aral dahil na rin sa kakapusan sa buhay. Sarili nila ang sina­sakang maliit na lupa at tamang-tama lamang iyon sa kanilang pagkain.

Gusto ni Zacharias na makatakas sa pagsasaka. Kung ang kanyang lolo at tatay ay kuntento na sa pagsasaka at wala nang pangarap na makaahon sa bukid, siya ay mayroon. Gusto niyang makapag-aral at magkaroon nang magandang pagkakakitaan.

Kapag nag-aararo sa bukid, nag-iimadyin si Zacharias na isang araw, hindi kalabaw ang idinadrayb niya kundi isang magarang sasakyan. Naiimadyin din niya na nasa isang malamig na kuwarto siya nagtatrabaho at hindi sa bukid na lantad na lantad sa mainit na araw.

Kapag mainit na mainit ang araw, sisilong siya sa lilim ng punong banaba at doon magpapalipas ng tindi ng init. At habang nakasilong, gusto niyang magalit kung bakit sila naging mahirap. Sana ay pare-pareho na lang na mayaman ang mga tao.

Minsan ay sinabi niya sa kanyang tatay na gusto niyang sumubok ng ibang pagkakakitaan.

“Sige ikaw ang bahala. Pero baka bumalik ka rin dito sa bukid na bayag din ang dala.’’

“Wala kasing asenso rito, Tatay.’’

“Bahala ka.’’

Isang araw, patungo sa bukid si Zacharias nang matanaw niya ang isang babae na kinakawayan siya. May sasakyan ang babae. Nasiraan yata ang sasakyan.            (Itutuloy)

vuukle comment

ZACHA­RIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with