^

Probinsiya

Obrero dinedo ng kabaro sa barracks

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines -  Pinaniniwalaang may matinding galit kaya napatay ang isang manggagawa matgapos itong saksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Bayani Labugin, stay-in construction worker ng 5 R’s Construction Corp. at naka-assign sa JAL Mega Link warehouse sa Barangay Niog 3 sa nasabing lungsod. Pinaghahanap naman ang suspek na si Ambrocio Versoza, 30, ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleron Garcia, nag-iinuman ang biktima at suspek sa kanilang barracks nang mauwi sa matinding pagtalo ang dati nilang away kaugnay sa trabaho. Gayunman, napikon ang suspek sa tinuran ng biktima kaya naganap ang pananaksak. Narekober sa crime scene ang patalim na ginamit ng suspek sa krimen.

vuukle comment

JAL MEGA LINK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with