^

Probinsiya

Doktor dedo sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napaslang ang isang doktor malkaraang tambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Kapatagan, Lanao del Norte noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Dreyfuss “Toto” Perlas na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay tubong Batan, Aklan kung saan naninirahan na ang pamilya nito sa Iloilo at isang rural doctor na dumarayo sa malalayong lalawigan para maghatid ng serbisyo sa mga mahihirap na maysakit.

Sa ulat ng  Lanao del Norte Police na naisumite sa Camp Crame naitala ang krimen bandang alas -7 ng gabi habang ang biktima ay lulan ng motorbike na bumabagtas sa kahabaan ng nasabing lugar.

Nabatid na bigla na lamang pinagbabaril ang biktima ng hindi  pa nakilalang kalalakihan.

Nabatid na si Perlas ay isa ring municipal health officer sa bayan ng Sapad, Lanao del Norte kung saan nagboluntaryo rin ito sa Doctors to the Barrios Program ng DOH.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon kung saan isinasailalim pa ng mga awtoridad sa imbestigasyon.

 

 

vuukle comment

DREYFUSS “TOTO” PERLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with