^

Metro

Pamumulitika tigilan na!

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tigilan na ang pamumu­litika at magtrabaho na lamang para sa ikabubuti ng mga taga- Makati.

Ito ang binitiwang pahayag ni dating Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña sa kanyang mga kritiko kaugnay ng naging hakbangin ng kampo ng mga Binay nang sumulat ang mga ito sa Commission on Election (COMELEC) hinggil sa uma­no’y “midnight appointees” ng una noong ito ay nakaupo sa panahon  ng election  ban kung saan pinakakasuhan ng mga Binay ang dating alkalde hinggil sa usapin.

Sinabi ni Peña, na lumang isyu na ang binabato sa kanya ng kanyang mga kritiko. At handa aniya siyang harapin ito dahil pawang kasinungalingan ang mga binabato sa kanya.

Kung saan nilinaw nito, na  ang kanyang mga naging  hakbangin ng siya ay nakaupo ay dumaan ang lahat ng ito sa tamang proseso lalu na sa appointment ng mga kawani at wala aniyang naging paglabag  sa ipinatutupad na election ban ng COMELEC.

“All the Officers-in-Charge and Department Heads appeared before the PSB to de­fend and justify their recommendations which include traffic aides and street sweepers, who have been in the city go­vernment’s roster for 25 years as casual employees. It is only during the regime of Bagong Makati, when they were given regular plantilla positions,” ani Pena. 

Sa aligasyon naman tungkol sa “ghost employees”, nili­naw ng kampo ni Peña na wa­lang katotohanan ang naturang akusasyon.

Nanawagan din ang dating alkalde sa ilang grupo at individual, na tigilan na aniya ang mga ganitong uri ng paninira dahil alam naman aniya ng mga taga-Makati kung sino siya, na sumuporta sa mga programa ng Bagong Makati ng panahon ng kanyang panunungkulan.

vuukle comment

ROMULO “KID” PEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with