^

Bansa

Pabrika ng yosi iimbestigahan ng BOC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakahanda ang kumpanyang Mighty Corporation na buksan ang lahat ng mga warehouse nito at makiisa sa anumang isasagawang imbestigasyon ng Bureau of Customs upang patunayang hindi ito sangkot sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo.

Ayon kay Oscar Barrientos, executive vice president at tagapagsalita ng kumpanya, hindi nila kailangang magsagawa ng anumang bagay na ikasisira nila sapagkat mara-ming tapat na kostumer nila ang patuloy na tumatangkilik sa kanilang produkto.

“Ngunit nakalulungkot na may mga ibang ahensiya ng gobyerno na sinasamantala ang Mission Order ng BOC para lang magsagawa ng mga operasyon base sa maling impormasyon, gaya ng isinagawang raid nitong Miyerkules sa Pampanga na walang nakitang pekeng sigarilyo sa warehouse ng Mighty,” sabi ni Barrientos.

Ayon dito, ang panguna-hing dahilan kung bakit sinisiraan sila ng kanilang mga kalaban ay dahil isinusulong ng kumpanya ang isang panukalang batas na naglalayong palakasin ang kita ng mga lokal na manananim ng tabako.

Sabi ni Barrientos, na malinaw sa mga isinagawang raid sa mga warehouse ng Mighty sa Pampanga at General Santos City na walang nakitang pekeng produkto ang mga otoridad at dahil dito, hindi na dapat nila itinuloy ang operasyon.

Idinagdag ni Barrientos, may ibang ahensiya na diumano’y nakialam bagama’t walang kaukulang Mission Oder mula sa kanilang mga punong tanggapan.

Ang ibinibintang diumano sa Mighty Corp ay hindi sakop ng Mission Order na ipinalabas ng BOC.

 

vuukle comment

MIGHTY CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with