Angel at John Lloyd pasok sa serye ng KathNiel
Concert ni Charice walang kabali-balita!
SEEN: Walang ingay ang Charice, End of a Chapter, ang rock concert ni Charice sa Kia Theater sa March 24.
SCENE: Extended hanggang May 2017 ang Encantadia ng GMA-7 dahil sa mataas na rating ng programa.
SEEN: Ang remake ng Impostora ang ipapalit ng GMA-7 sa timeslot ng Ika-6 Na Utos. Mga bida sa Impostora sina Kris Bernal, Louise delos Reyes, at Rafael Rosell. Sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Mark Anthony Fernandez ang stars ng original Impostora noong 2007.
SCENE: May special participation sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa La Luna Sangre, ang primetime teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN. Sa April 2017 ang target telecast ng La Luna Sangre.
SEEN: Pinagsasabong sina Jim Paredes at Danny Javier ng kanilang mga supporter dahil sa magkaiba na paniniwala ng mga dating miyembro ng APO tungkol sa pamamalakad sa bansa ni President Rodrigo Duterte. Kung muhing-muhi si Jim sa pangulo, suportadong-suportado ni Danny si Duterte.
SCENE: Nalaman lang nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla mula sa mga balita na baby boy ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla. Ang isisilang ni Kylie ang unang apo ni Robin.
SEEN: Nagbabakasyon sa kasalukuyan sa Pilipinas si Queenie Padilla at ang Pakistani husband nito. Sinubukan noon ni Queenie na mag-artista pero pinili niya ang tahimik na buhay.
- Latest