^

Metro

VM Joy B, sasanayin ang 300 lady tanod sa arnis

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula ngayong araw ay pormal nang isasailalim sa Arnis para sa Barangay Tanod Training Program ni QC Vice Mayor Joy Belmonte  ang may 300 kababaihang tanod mula sa iba’t ibang barangay ng Quezon City ngayong Women’s Month.

May 10 araw na tuturuan ng arnis ng mga instructors ng Arnis Philippines Inc., upang magkaroon ng kaalaman at kasanayan para mapangalagaan ang sarili at mga naninirahan sa kani-kanilang komunidad mula sa masasamang ele­mento.

Ang arnis na national martial at sport ng bansa ay may malaking pakinabang para magkaroon ng higit na disiplina at magkaroon ng maayos na pangangatawan at masiglang kaisipan ng mga sasailalim sa programa.

Kasama ni Vice Mayor Belmonte sa pagpapatupad ng programa ang Rotary Club New Manila QC at Ar-nis Philippines Inc.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with