^

Metro

Rider binoga sa ulo ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 55-anyos na motorcycle rider nang barilin sa ulo ng isang lalaki na angkas  sa isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinilala    sa nakuhang identification card sa wallet nito na si Jovito Ferido, stay-in fami­ly driver at caretaker ng ZELCOR Enterprises sa no. 523 Remedios St., Malate, Maynila at nakatira sa no. 161 Elison Ville Subdivision, Corregidor St., Gene­ral Trias, Cavite.

Inilarawan ang mga suspek na kapwa nakasuot ng helmet, nakatakip ang mga mukha at armado ng kalibre 45 baril.

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide section, naganap ang insidente dakong alas-8:27 ng umaga sa Delpan St., Binondo, Maynila habang  pansaman­talang nakahinto ang biktima sakay ng kaniyang kulay pulang  Honda TMX na may plakang DA 81879 nang big­lang sumulpot ang riding-in-tandem at dinikitan ang biktima at pinaputukan sa ulo.

Pagbagsak ng biktima   ay kinuha ang suot nitong kwintas at mabilis na tumakas.

Palaisipan sa pulisya kung holdap lang ang lakad ng mga suspek dahil ang gintong kwintas lang ang tinangay mula sa biktima o pakay lang ang pagpatay dahil sa ulo ito binira at hindi na kinuha ang pera.

vuukle comment

JOVITO FERIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with