Paris Agreement on Climate Change nasa Senado na
MANILA, Philippines - Naipasa na ng Malacañang sa Senado ang Paris Agreement on Climate Change na nilagdaan kahapon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Sen. Loren Legarda, inaasahan niya na mapagtitibay ng Senado ang Paris Agreement bago idaos ang Earth Day sa Abril.
Si Senior Deputy Executive Secretary Meynard Guevarra ang nagdala ng dokumento kay Legarda, chairman ng Senate committee on climate change.
“Once we fully ratify, we become part of the succeeding meetings about the Paris Agreement,” ani Legarda.
Inaasahang magtatakda lamang ng isang hearing ang Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano bago dalhin ang Paris Agreement sa plenaryo upang pagbotohan.
Umaasa si Legarda na susuportahan ng lahat ng senador ang Paris Agreement na inaasahang makakatulong sa problema ng climate change.
- Latest