^

Krema

Krema (127)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AKO nga, Lex!’’

Kahit namamaga ang mga mata ni Lex ay pilit niyang inaninag ang mukha ni Krema na bahagyang natatakpan ng bull cap. Naaaninag niyang naka-jacket at pantalong maong ito.

“Ikaw nga Krema!’’

“Huwag kang maingay at baka dumating ang mga ka­laban. Halika at gagamutin ko ang mga sugat mo. Aakayin kita hanggang sa secret basement nitong kamalig.’’

“Secret basement? May basement ito?’’

“Oo. Pinagawa ng Tiyo Mon mo. Ako lang at siya ang nakaaalam nito. Halika, saka ko na lang ikukuwento ang lahat. Kailangang magamot ko ang mga sugat at pasa mo.’’

Inalalayan ni Krema si Lex.

“Anong nangyari sa dalawang nagguguwardiya sa akin?’’

“Tulog na tulog na ang mga gago!’’

“Anong ginawa mo?’’

“Inarnis ko. Pagkatapos ay tinalian ko ang paa at kamay.’’

“Marunong ka ng arnis?’’

“Oo naman. Tinuruan ako ni Mon. Baka mahusay pa ako sa’yo!’’

“Marami kasi ang kalaban ko kaya natalo ako.’’

“Kulang ka sa praktis at teknik.’’

“Baka nga.’’

“Halika na. Baka biglang dumating ang iba pa. Kaila­ngang magamot ko ang mga sugat mo.’’

Inalis ni Krema ang naka­takip na tabla sa butas. Nakita ni Lex ang spiral na hagdan pababa. Ibinalik ni Krema ang takip na tabla.

Bumaba sila sa spiral na hagdan.

Manghang-mangha si Lex nang makarating sa ilalim.

“Kumpleto ang gamit ko rito. Pati pagkain. Lahat nang kailangan.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with