^

Police Metro

ASG dapat itokhang ng PNP at AFP

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na dapat ang mga bandidong Abu Sayyaf Group ang tinotokhang ng pulisya at militar matapos ang ginawang pamumugot sa 70-anyos na German national na si Jurgen Kantner.

Sinabi ni Recto na kung may isang grupo ng mga adik na dapat hinahabol at hindi nilulubayan ng gobyerno ay ang mga mamamatay tao na Abu Sayyaf at naniniwala na walang mamamayan ang magrereklamo kung mapapatay ang lahat ng miyembro ng ASG.

Ang nasabing grupo aniya ay nasa “behea­ding business” sa loob ng 25 taon at dapat na itong tuldukan.

Naniniwala si Recto na ang tanging nakakapigil para pulbusin ng puwersa ng gobyerno ang ASG ay ang hawak pa nilang mga bihag na umaabot sa 24.

Idinagdag pa ni Recto na dapat unahin muna ng gobyerno ang pagresolba sa problema tungkol  sa ASG bago ibalik ang Oplan Tokhang.

vuukle comment

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with