^

Police Metro

Pagsibak sa lp senators niluto sa bahay ni Pacman

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa bahay umano ni Senator Manny Pacquiao sa Makati City ang nangyaring usapan sa reorganisasyon sa Senado na nagresulta sa pagpapatalsik sa senador na miyembro ng Liberal Party (LP).

Ito ang isinawalat kahapon  ni Pacquiao na kung saan ay nasa 16 na senador ang dumalo sa meeting at kanilang tinalakay ang trabaho sa Senado na mas mapapabilis kung matutukoy kung sino talaga ang dapat nasa mayorya at sino ang nasa minorya.

“Napag-usapan, napag-diskusan na para marami tayong magawa na trabaho dito sa Senado eh kelangan ma-identify na yung sa atin, sa atin. Yung hindi, hindi…doon na namin pinag usapan lahat,”wika  ni Pacquiao.

Magugunita na kamakalawa ay tinanggal ng 17 senador bilang Senate President-Pro Tempore si Senator Franklin Drilon at tinanggal din bilang pinuno ng mga komite sina Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Kiko Pa­ngilinan.

Itinanggi ni Pacquiao na may kinalaman si Pa­ngulong Rodrigo Duterte  sa nangyaring reorga­nisasyon sa Senado.

Pinanindigan ni Pacquiao na hindi nila maayos na magagampanan ang kanilang trabaho kung hindi isinagawa ang reorganisasyon.

“Walang kinalaman dito ang Pangulo. Hindi tayo makakagawa ng trabaho dito sa Senado kung hindi natin gaganunin…Nandito tayo para magtrabaho para sa taumbayan, hindi yung puro porma -porma tayo, pamumulitika. Gawa tayo ng trabaho dito, hindi yung dalhin natin yung pulitika dito,” sabi ni Pacquiao.

Idinagdag ni Pacquiao na pakiramdam umano nila ay “pinapaikutan” sila ng mga hindi naman dapat kasama sa mayorya.

Kinumpirma ni Senator Cynthia Villar na kasama siya ng mga senador na nag-usap sa bahay ni Pacquiao at inisyatibo umano ng  leadership ng Senado na matagal na rin nila itong consensus dahil gusto nilang linawin ang linya ng minorya at mayorya.

Naniniwala rin si Villar na mas mapapabilis na ngayon ang trabaho ng Senado matapos ma­ging malinaw kung sino dapat ang nasa minorya at nasa mayorya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with