^

Pang Movies

Gaya-gaya kay Angel Jessy mag-aaral sa London ng Fashion Design!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Gaya-gaya kay Angel Jessy mag-aaral sa London ng Fashion Design!
Angel Locsin

Remember, Salve A., noong nasa bakuran pa ng GMA 7 si Angel Locsin ay lumabas ang balitang pupunta siya sa London para mag-aral ng fashion designing?

Now guess kung sino diumano ang type rin maging fashion designer ngayon?

Well, walang iba kundi ang bagong girlfriend ng ex ni Angel na si Luis Manzano, si Jessy Mendiola.

Tuloy, tanong na aming assistant na si Jean Tandel: “Di ba dahil kinailangan ni Angel magpaputol ng maikling buhok, heto at nag-pose si Jessy sa kanyang social media na maikli rin ang kanyang buhok?

“Kahit pa sabihing bumagay din kay Jessy ang putol niyang buhok, still ‘di maiwasang hindi isiping ginagaya niya si Angel?”

Well, what do you think, Salve A.?

Tristan ng BoybandPH naiahon na ang mga magulang

Natupad na finally, Salve A., ang matagal nang pi­na­kamimithi ng ngayo’y official member na ng popular BoybandPH, na si Tristan Ramirez na mapag-resign bilang babysitter sa mayamang pamilya sa Ayala Alabang ang kanyang ina.

Salamat daw sa premyong P1-M each na napanalunan nila nina Ford Valencia, Joao Constancia, Niel Murillo at Russell Reyes sa pakontes last year ng ABS-CBN, Pinoy Boyband Superstar.

Sa napanalunan niya, matutupad na rin ang panga­ko niya sa kanyang mga nakababatang kapatid na suportahan ang kanilang pag-aaral.

From the start, hindi inilihim ni Tristan ang purpose niya sa pagsali sa said contest. Tubong Bulacan siya at mahirap lang ang kanilang pamilya.

Isang construction worker ang kanyang ama. Kaya, nag-decide ang kanyang ina na magtrabaho bilang tagapag-alaga ng bata.

From the P1 million, too, Tristan said nabigyan niya ng puhunan ang kanyang mga magulang, para makapagpatayo ang mga ito ng maliit na negosyo sa kanilang community.

Samantala, ang album naman ng BoybandPH na may kapareho ring title ay mabibili na sa mga record bar.

Favorite rin ng music video addicts ang single nila na Unli dahil ang main attraction ay ang sikat na si Janella Salvador.

In demand na rin ngayon for personal appearances sa Metro Manila maging sa mga probinsiya ang grupo na may special number sa unang album ni Jona, self-tittled, na inilabas ng Star Magic kung saan sila under contract. The song: Till The End of Time.

Elisse sinibak na sa Bahay ni Kuya

Halatang nalungkot si McCoy de Leon, dala ng pagkaka-evict ni Elisse Joson sa malapit nang mamaalam na reality show na Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Seven Dream Team noong Sunday.

Hindi rin kasi inililihim ni McCoy na may kakaibang pagtingin siya kay Elisse, na nakilala niya way back during their Vietnam days bilang housemates ni Kuya.

At hindi nga ba bago sila pabalikin ni Kuya bilang parte ng Dream Team, nag-guest din sila sa top series na FPJ’s Ang Probinsiyano na pinangungunahan ni Coco Martin?

Ang natitira na lamang housemate sa Bahay Ni Kuya bukod kina McCoy at Nikko Natividad na considered as one ay sina Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Dilawin, Yong Muhajil, Cora Waddell at Tanner Mata.

Ngayong Sunday, March 5, na malalaman na kung sino ang magwawaging big winner sa pito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with