^

PSN Showbiz

Bad Boy 3 susugalan ni Robin; Elmo at Janella nag-iingay para sa serye?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Si Robin Padilla ang bida at producer ng Bad Boy 3. Walang leading lady si Robin sa bagong action movie niya na hindi pa tiyak ang playdate.

SCENE: Ipalalabas sa mga sinehan ang mga indie movie ng Cinema One Originals, ang Baka Bukas at 2 Cool 2 Be 4Gotten. Tungkol sa lesbian and gay relationships ang kuwento ng Baka Bukas at 2 Cool 2 Be 4Gotten.

SEEN: Mga paslit na bata ang kasama kahapon sa martsa sa EDSA ng mga gumunita sa flop celebration ng 31st anniversary ng EDSA People Power Revolution.

SCENE: Ang komprontasyon kahapon sa pagitan ng singer na si Jim Paredes at sa mga youth supporter ni President Rodrigo Duterte. Nauwi sa kaguluhan ang lecture ni Jim sa mga kabataan tungkol sa extra judicial killings.

SEEN: Binatikos si Jim Paredes dahil hindi na bagay sa katulad niya na isa nang senior citizen ang pumatol at makipagtalo sa mga mas bata sa kanya.

SCENE: Ang mga hula na matutuloy na ang relasyon nina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil mapapadalas ang kanilang pagkikita sa bagong teleserye project ng Dreamscape, Inc. na pagtatambalan nila.

SEEN: Malaki ang tsansa na magkaroon ng Best Actress nomination sa 2018 si Maja Salvador dahil sa kanyang outstanding performance sa I’m Drunk, I Love You.

SCENE: Inimbitahan si Alma Concepcion ng Department of Justice bilang saksi sa pagpapatuloy ng pagdinig sa March 2 sa Close Up Forever Summer concert tragedy na nangyari noong May 2016 sa Mall of Asia open grounds. Personal na nakita ni Alma ang pagkahimatay ng mga biktima.

SEEN: Ang pictorial kahapon ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN para sa The Voice Teens. Babalik si Sarah bilang hurado ng talent competition ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with