^

PSN Showbiz

Nadine naiimpluwensiyahan na raw!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang fans ni Nadine Lustre, super sipag. Everyday nakaka-1 million tweets sila.

Ilang araw nang sunud-sunod na nakaka-1 million ang hashtag for Nadine para sa #KCAPinoy­Star - Kids Choice Awards 2017 ng Nickelodeon.

Nominated din sa nasabing category sina Liza Soberano and Maine Mendoza pero ang fans lang talaga ni Nadine ang super sipag para ipanalo ang kanilang idolo.

Pero true kaya na may taong nag-iimpluwensiya ngayon kay Nadine kaya parang lately ay nagmamaldita ito? Or nanunulsol?

KIM SUPER TRENDING ‘PAG NASA SHOWTIME

Isa pang laging trending ay si Kim Chiu sa tuwing mag-aapir sa It’s Showtime.

Sunud-sunod na araw na nasa noontime show ng Kapamilya Network si Kim dahil kasalukuyang nasa bakasyon si Anne Curtis kasama ang buong barkada niya na sina Georgina Wilson, Isabelle Daza, Solenn Heussaff at ang kani-kanilang asawa at siyempre ang pakakasalan ni Anne na si Erwan Heussaff sa Niseko, Japan.

Kering-keri na rin kasi mag-host ni Kim at makipagsabayan sa okrayan ng mga host ng Showtime sa pangunguna ni Vice Ganda.

MARK BAUTISTA UMAMIN NA SA NANGYARI SA KANILA NI ANDERSON COOPER

Personal palang inimbita ng sikat na CNN anchor Anderson Cooper si Mark Bautista para i-tour sa CNN Time Warner Center sa Manhattan. Lumutang ang picture nina Mark and Anderson noong December.

May common friend ang dalawa at nagkakilala sila sa school na pinasukan ni Mark, ang New York Film Academy.  Nag-aral ng music direction si Mark for two months sa New York last year. Umalis siya ng late November at bumalik ng bansa before Christmas.

“Parang na-meet ko lang siya sa school. Thankful ako sa school namin kasi marami akong nakilala at napuntahan,” pag-aalala ni Mark nang makausap namin the other day sa pocket presscon para sa muli niyang pagganap sa character ni former president Ferdinand Marcos sa stage play na Here Lies Love sa Seattle na unang napanood sa London.

Ayon pa kay Mark, isa lang si Anderson sa marami niyang nakilala sa maiksing pamamalagi niya sa New York.

Lahat ba sila ng mga kaklase niya nag-tour sa CNN Center?

“Hindi, ako lang.”

Personal ka niyang inimbita?

“Yes, meron kaming common friend na connected sa CNN.

 “Sobrang bait niya talaga, ipinakilala pa niya ako sa partner niya,” kuwento ni Mark.

Wala namang malisya ‘yan? Hahaha…

“Wala naman. Aware naman ako na ano siya… ganun nga. Kasi ‘pag na-meet mo na siya, hindi mo na iisipin ‘yun. Ma-amaze ka na. Hahanga ka sa personality niya.”

Gaano katagal ‘yung tour?

“Before nag-start ang show niya, ‘yung Anderson Cooper 360.

“Ano pa ako, binigyan pa ako ng ID, bago ako umakyat, ‘yung waiting time, maraming tumatakbo sa isip na mabait ba ito, kabado ako.

“Pero nang lumabas na siya ng elevator, mabait siya.

 “Nagkuwentuhan na kami, sinabi niya ‘yung nag-cover siya sa Yolanda typhoon dito sa atin, sinabi ko na meron din CNN sa atin,” pag-aalala ni Mark sa naging encounter niya kay Mr. Cooper.

Anyway, three months tatakbo ang Here Lies Love sa Seattle na ang producer ay Seattle Repertory.

Hindi na siya nag-audition for the role. Minsan lang siyang nag-attend ng party noon sa NY at ipinakilala siya na nagbida sa London edition nito at doon na nagsimula ang usapan.

Nung December nakatanggap na siya ng email of confirmation na tuloy ang staging nito sa Amerika at siya uli ang bibida.

“Ito talaga ang trial nila for future shows.

“Kung same ang level ng entertainment, puwede ditong mapanood sa atin (Pilipinas),”  kuwento pa ni Mark.

May konting revision sa script ayon sa dating loveteam ni Sarah Geronimo pero same team sa nakatrabaho niya sa UK.

Financially rewarding ba ang theater sa abroad?

“Kung iko-compare mo rito sa atin, definitely mas ok sa abroad,” sagot pa niya na nakatakdang umalis bukas o ngayong araw.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with