^

Police Metro

Impostor tiklo sa extortion kay Gov. Mangudadatu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang inhinyero na nagpakilalang miyembro ng volunteer Task Force ng Office of the Solicitor General (OSG)  matapos na ireklamo ng pango­ngotong ng P300,000 kapalit umano ng paglilinis sa pangalan ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu sa entrapment operation sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat ni NBI-Special task Force chief, Moises Tamayo, ang suspek na si  Engr.Ali “Saydee” Mustapha, na nagpakila­lang miyembro ng Special Task Force Crusade Volunteer at batay sa hawak na pekeng dokumento ay accredited  ang kanilang grupo ng OSG subalit pirmado umano ni ret. Colonel Romeo Maganto.

Sa naging paghayag ni Mangudadatu sa media, sinabi niya na noong Peb­rero 12, 2017 ay nagpadala ng text messages ang suspect na nagsasabing ang grupo niyang Task Force Crusade ay nag-iimbestiga sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Tinawagan din umano siya ng suspek na nagsabing kabilang siya sa mga drug personalities na nasa listahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at kung nais nitong malinis ang pa­ngalan ay kaya umano niyang ‘dukutin’ ang rekord upang matanggal siya sa drug list pero kapalit nito ay kailangang magbayad ng P 300,000.00.

Agad namang nakipag-ugnayan sa NBI si Gov. Mangudadatu at nasakote kamakalawa ng hapon sa entrapment operation sa isang restaurant sa Ermita, Maynila.

Sa beripikasyon, sinabi ng NBI na walang awtorisasyon o itinala­gang  task force ang OSG para mag-im­bestiga at mangotong. Nahaharap ngayon sa kasong robbery extortion ang suspect.

 

vuukle comment

OSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with