^

Pang Movies

Karla gustong mag-ampon at magpaaral

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Bata pa lamang si Daniel Padilla ay alam ko nang napakabait nito. Maganda ang ginawang pagpapalaki at paghubog sa kanya ng kanyang ama na si Rommel Padilla at lalung-lalo na ng kanyang inang si Karla Estrada.

Totoy na totoy pa lang si Daniel noon nang makilala ko sa lobby ng GMA-7. Kasama siya noon ni Karla at ipinakilala sa amin na agad nagmano sabay sabi ng “Hi po!”. Alam mo naman ang tao, tulad ko, napakalaking bagay ang pagmamano. Bata pa man siya ay alam na agad na sa kanyang paglaki ay magiging mabait siya. Nagpakita si Daniel ng pagiging marespeto na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa kanya.

Hindi totoong nagka-ere siya o naging mayabang at ganoon din si Karla. They never changed. Sila pa rin ‘yung dati noong nagsisimula pa lamang sila. Komo ba’t nag-klik sila sa showbiz, si Daniel with Kathryn Bernardo at si Karla naman ay marami ding raket at may sariling TV show na Magandang Buhay with Melai Cantiveros and Jolina Magdangal sa ABS-CBN eh mayabang na?

Low profile pa rin si Karla at ang anak na si Daniel. Mababa pa rin ang loob at pusong mamon. Kung maari nga lang daw, lahat ng mahihirap ay aampunin ni Karla maging ang lahat ng out-of-school youth ay pag-aaralin niya at gustong iahon sa kahirapan.

Rapist ni Janine gustong abangan

Galit na galit ang fans ni Janine Gutierrez sa nangyari sa kanya sa afternoon series na Legally Blind sa GMA-7. Ginahasa kasi ito at nabulag. Naku po! Nasa harap ang mga ka-friendship naming chimay na sa bahay nakikipanood ng TV shows sa hapon dahil bawal magbukas ng TV sa bahay nila na wala ang amo nila.

Marami na silang napanood na series at marami na silang minura na artistang salbahe ang role. This time, minura-mura nila si Marc Abaya na nang-rape kay Janine. Sabi pa nila, ay aabangan nila ito sa gate ng GMA!

Maligayang bati!

Happy Birthday today, February 25 to my good friend, my boss ng Mericks Film na si Jesse G. Chua. Take note, ang motiff ng birthday party ay night swimming sa Lexington Village, Bgy. San Joaquin, Pasig City.

Maraming movies ang na-produce ni Jesse Chua na sa ngayon ay isang consultant ng isang sikat na manufacturer ng masasarap na drinks, sitsirya, at noodles. Mga talent ng Merick films na sumikat sina, Sen. Lito Lapid, Beth Bautista (Urian Best Actress), Christopher de Leon, at marami pang iba. Si Jesse ang Head ng Music Ministry ng Lexington Village Church. 

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with