^

Pang Movies

Balikan nina Piolo at Toni minadali lang!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Pelikula na muna ang gagawin nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual at hindi na teleserye.

Matatandaan kasing bago mabuntis si Toni ay gagawin sana nila ni Piolo ang seryeng Written in Our Stars pero naudlot ito to give way to Toni’s pregnancy at itutuloy na lang daw ‘pag ready na ulit ang TV host/actress.

Pero ang latest na pagbabago nga, pelikula na ang gagawin nila and in fact, nagkaroon na ito ng storycon last Thursday na dinaluhan ng dalawang bida at ng magiging direktor na si Bb. Joyce Bernal.

Ayon kay Toni, talagang biglaan ang project dahil ang alam niya ay ibang pelikula ang gagawin niya.

“This project actually came out of nowhere, I was supposed to do a different movie, and then all of a sudden, everything fell parang accordingly,” say ni Toni in her recent interview.

Dagdag pa niya, parang nag-swak daw talaga lahat pati ang schedules nila plus nagustuhan niya talaga ang script.

“The script was so beautiful. It is so beautiful it’s something that I wouldn’t want to miss.

“I got excited when Piolo got on board, and then direk Joyce and then, I talked to Inang (Olive Lamasan) about it, she’s also on board, she’s going to parang be hands on with this project, so na-excite kami.

“I really never thought na ‘yung comeback movie ko is going to be with PJ (tawag kay Piolo),” pahayag ni Toni.

When asked kung paano ang schedule niya ngayon since may baby na siya at nagbe-breastfeed pa siya, aniya ay matagal pa naman daw ang playdate ng movie kaya medyo magaan pa pagdating sa shooting schedules.

“They’re allowing us to shoot twice a week because I’m still doing PBB (Pinoy Big Brother), I have to wrap it up,” she said.

Gabby gustong maghubad at tumakbo sa gubat!

Gustung-gusto ni Gabby Eigenmann ang role niya sa My Love From the Star na pinagbibidahan ni Jennlyn Mercado.

Siya ang main villain sa nasabing Pinoy version ng hit Korean novela at say niya, ibang-iba naman ito this time sa mga dati niyang nagawa.

“Parang hilamos ito, kung baga,” say ni Gabby.

Ginagampanan niya ang role na Jackson na isang killer at may mental disorder.

“Which is something new, kasi sometimes, it’s hard to brush off your previous character from your dating soap. Kagaya nang ginawa ko, ‘yung Sa Piling ni Nanay, they admired my character because hindi ako naging kontrabida. ‘Kala nila, gray, kala nila, pumapatay ako ng tao, masamang tao, hindi naman pala, it’s all for love, sa pag-aalaga,” pahayag ni Gabby.

Bale reunion din nila ito ni Jennyly na nakasama na niya sa ilang projects before at excited din daw siya to work with newcomer Gil Cuerva, ang leading man ni Jen sa serye.

Natanong nga rin namin si Gabby kung sakaling may gusto siyang i-remake sa mga old movies ng yumao niyang amang si Mark Gil, ano ito? Aniya ay ‘yung Itanong Mo Sa Buwan kung saan ay nakasama nito si Jaclyn Jose.

“Pero malaking trabaho ‘yun kasi, saka naghubad ang daddy ko ru’n, tumakbo sa gubat, naghabulan sila na naka-brief lang,” sey ni Gabby.

Kung sakali raw talaga na may producer na makaisip i-remake ‘yun, talaga raw hindi siya mahihiyang mag-audition.

At siyempre, kakayanin din daw niya ang maghubad tulad ng ginawa ng kanyang ama.

Ang hindi raw niya siguro kayang i-remake sa mga pelikula ng daddy niya ay ang Batch 81, ang pelikula kung saan nakilala talaga si Mark Gil.

 “Batch 81 would always be the movie that made my dad, kung baga, du’n siya talaga naano (nakilala), ‘yun ‘yung naging marka niya, eh. Off limits kami du’n, kasi he can only do that, siya lang, hindi na naming ni (Sid Lucero) pwedeng gayahin ‘yun, hindi na namin pwedeng ulitin ‘yun,” sey ni Gab.

 

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with