^

PSN Showbiz

Elmo nakipag-ayos sa nanay ni Janella!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Madali naman palang magbago ang pananaw ng ina ni Janella Salvador na si Jenine Desi­derio kay Elmo Magalona. Kung dati ay galit na galit nitong ipinagsabi sa lahat ang pagkaayaw niya sa binata dahil may ginagawa itong mga bagay behind her back, kay Janella na rin mismo nanggaling na nagbago na ang pananaw ng kanyang ina at handa na itong kilalanin.

Katunayan ay pinayagan na nito ang anak ng Master Rapper na pumunta ng kanilang bahay para madalaw at marahil ay maligawan na nang pormal ang kanyang anak. Pumayag na rin si Janine na sumama si Elmo sa pagsisimba nilang mag-ina.

Noong gabi ng Valentine’s Day ay pumunta ang binata sa bahay nina Janella para hilingin ang permiso ng kanyang ina na madalaw siya nito at puma­yag naman daw ito. Pati ang dala nitong mga bulaklak kay Janella ay ipinost pa ng young actress sa kanyang social media account. Kahit hindi pa handang magka-boyfriend si Janella ay pumayag na ang kanyang ina na madalaw ito sa bahay para lamang mas makilala nito ang manliligaw niya.

Kris sa endoresment bumabawi

Buti naman at ‘di tulad ng kanyang TV career na dumaraan ngayon sa butas ng karayom, ang pagi­ging matagumpay na product endorser ni Kris Aquino. Kung dati ay parang naagaw na sa kanya ang pagrireyna sa mga TV commercial, mukhang nabawi na niya ang setro’t korona sa pagiging product endorser.

Napanood sa isang video na ipinost ni Kris sa kan­yang Instagram account ang paghahanda na gi­na­gawa niya para sa isang malaking product endorsement. Ikinatuwa ito nang labis ng mga supporter ni Kris na hindi rin naman bumababa ang bilang at umaasang mababalikan nito ang kanyang trabaho sa TV.

Kapatid ni Coco maingay sa indie

Kung ang kapatid ni Aljur Abrenica na si Vin Abrenica ay sinusuwerte sa TV, ang kapatid naman ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin ay sa indie films umaarangkada. Kinailangan niyang i-prove ang kanyang sarili bilang aktor, suwerte naman niya na hindi siya nabigo at naipakita na may karapatang masundan ang bakas ng kanyang maswerteng kuya.

Pasasaan ba’t ma­aabot din niya ang kinaroroonan nito. Hindi man siya maging sing sikat at sing successful ni Coco, at least nag-try siya at nakita naman ang effort at talent niya lalo na sa indie movies na Pamil­ya Ordinaryo at Ari: My Life with a King.

Jhong nawalan ng anak

Mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi ang kuwento ng pamilya ni Isong (Jhong Hilario). Sa kabila ng paghihirap sa buhay, nanatili silang mag-anak na may positibong pananaw sa buhay lalo na ang batang anak niyang si Ninin (Yñigo Delen). Kilala si Isong bilang isang barangay officer na kalaunan ay naging aktibong tipster sa kanilang local government. Para sa kanya, mabibigyan niya ng proteksyon ang kanilang pamilya sa pagiging loyal sa kanyang trabaho. Ngunit isang araw, magugulantang ang kanilang mapayapang buhay nang sa isang iglap ay isang ligaw na bala ang kumuha sa buhay ni Ninin.

Labis ang hinagpis na naramdaman ni Isong sa nangyari ngunit hindi pa nagtatapos diyan ang kalbaryo niya, dahil sa halip na suportahan ay sisisihin pa siya ng asawang si Marilou (Angel Aquino) sa sinapit ng kanilang anak.

Makakasama din sa upcoming episode sina Nikki Bagaporo, Menggie Cobbarubias, Macky Billiones, Nhickzy Calma, Winryll Banaag, David Chua, Jason Fernandez, at Young JV.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with