^

PSN Showbiz

Eugene Domingo bagay na Leila de Lima!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuloy na ang pag-aresto kahapon kay Senator Leila de Lima na buong ningning na nag-dialogue na “Karangalan ko po na makulong dahil sa mga ipinaglalaban ko!”

Live na napanood sa TV ang pagsuko ni De Lima sa mga tauhan ng CIDG-National Capitol Region sa parking lot ng Philippine Senate.

Mula sa senado, dinala si De Lima sa Camp Crame para sa “traditional mug shot” at pagkatapos, ibiniyahe siya ng CIDG-NCR arresting team sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Marami ang napuyat sa panonood ng mga news program at pakikinig ng radyo noong Huwebes ng gabi dahil sinubaybayan nila ang hindi natuloy na pag-aresto kay De Lima sa bahay nito sa Parañaque City dahil bumalik siya sa senado.

Kabilang ang former singer na si Leah Navarro na numero uno na kritiko ni President Rodrigo Duterte sa mga nagsadya sa senate office ni De Lima at nakisimpatiya sa senadora na iniuugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Nag-react si dating senador Jinggoy Estrada nang malaman nito na bumalik sa senado ang ex-Justice secretary na nagpakulong sa kanila ni Bong Revilla, Jr. at kay former President Gloria Macapagal Arroyo.

Hindi napigilan ni Papa Jinggoy ang mag-react sa pananatili ni De Lima sa senate office nito noong Thursday night.

Ito ang tanong ni Papa Jinggoy, “Why do you have to seek refuge in the Senate? We never sought for refuge when you had us arrested!! Who are you to demand where you want to be jailed? We never did that during your time!!!

“We surrendered even before the warrant of arrest was served. We went to Crame immediately. Can’t you do the same? SHAME ON You!!!”

 Siyempre, unforgettable para kina Papa Jinggoy at Bong ang pagsuko nila noong June 2014.

In fairness, walang drama ang pag-aresto noon sa dalawa dahil kusa ang pagsuko nila. Hindi nila pinaghintay at pinahirapan ang arresting team. Hindi rin sila pumili ng kulungan na pagdadalhan sa kanila.

Basta ang natatandaan ko, paulit-ulit na ipinakikita noon sa mga news program ang construction ng magiging detention cell nina Papa Jinggoy at Bong na torture para sa kanilang pamilya.

Sa kaso naman ni De Lima, paulit-ulit na ipinakikita sa mga news program ang footage ng “epic meltdown” niya noong nakaraang taon. Ito ‘yung nakakaloka na eksena na nagsisigaw siya ng “Hulihin n’yo na ako ngayon! ‘Yan naman talaga ang gusto n’yo! Ikulong n’yo na ako ngayon! I’m here!!!” sa sariling presscon niya noong September 2016.

Pero ngayong inaresto at nakakulong na siya, iba na ang linya ni De Lima dahil sa kanyang pralala na karangalan na makulong siya.

Kung isasalin sa pelikula ang makulay na buhay ni De Lima, isang mahusay na aktres ang dapat na gumanap sa role niya. Isang aktres na magaling dahil challenging ang papel na gagampanan niya na nangangailangan ng iba’t-ibang uri ng emosyon.

Bago nakilala na comedienne si Eugene Domingo, effective dramatic actress siya. Puwedeng gumanap si Eugene na Leila de Lima sa pelikula dahil magagamit niya ang three types of acting na kanyang ipinamalas sa Ang Babae sa Septic Tank at sa sequel nito noong 2016.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with