^

Police Metro

Lady solon pinakakasuhan sa P69M medicine scam

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ng graft at malversation si da­ting Samar Governor na ngayoy 2nd district Representative, Milagrosa Tan at anim na iba pa may kinalaman sa kanilang pagkakasangkot sa maano­malyang pagbili ng mga gamot na may kabuuang halagang P69,040,514.84 mula 2005 hanggang 2007.

Si Tan ay nahaharap sa 5  counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019); 3 counts ng paglabag sa Section 3(g) ng R.A. No. 3019 at 5 counts ng  malversation of public funds.

 Kapwa akusado sina Bienvenido Sabanecio, Jr. (Provincial Treasurer), Francasio Detosil (Provincial Accountant), Rolando Montejo (Administrative Officer), Ariel Yboa (OIC-General Service Office), George Abrina (Supply Officer); at Roselyn Larce, representative ng supplier, Zybermed Medi Pharma, na nakabase sa  Pasig City.

Sa ulat ng Field Investigation Office (FIO) ng Ombudsman, nagsagawa ang lalawigan ng Samar sa pamamagitan ni Tan ng maluhong pagbili ng mga gamut mula sa Zybermed gamit ang multi-milyong health fund.

Sa report ng  Commission on Audit (COA)  napatunayan nitong may hindi maipaliwanag na pagtaas ng halaga ng gastusin ng Samar sa kanilang pagbili ng gamot batay sa kanilang year-end inventory ba­lance mula 2005  hangang 2007 bukod sa wala naman silang listahan kung sinong nakinabang at nakatanggap ng mga biniling gamot.

vuukle comment

CONCHITA CARPIO MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with