^

Police Metro

Pagbawi ng testimonya vs. De Lima... P100-M alok sa Bilibid inmates-DOJ Chief

Rudy Andal, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pagbawi ng testimonya vs. De Lima... P100-M alok sa Bilibid inmates-DOJ Chief
Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima ang isang testigo sa muling pagbukas sa pagdinig ng Senado sa kidnap-slaying ni South Korean businessman Jee Ick-joo na siya naman paglabas ng warrant of arrest sa kanya sa kasong droga.
AP

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na isang da­ting senador ang nag-alok ng P100 milyon sa mga Bilibid high-profile inmates para baligtarin ang kanilang testimonya na may kinalaman si Senator Leila de Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

“High-profile Bilibid inmates at AFP Custodial Center were offered P100 million to recant in favor of Senator De Lima on or before Feb. 25, 2017,” wika ni Aguirre.

Ayon pa kay Aguirre na ang alok ay ginawa kamakalawa ng isang dating senador na kaalyado ni De Lima na muling inulit ang alok kahapon ng umaga sa inmate na si Clarence Donggail na nakakulong sa AFP Custodial Center.

Subalit, ayon kay Aguirre na ang convicted crime lords ay tinanggihan ang alok para baligtarin ang kanilang naging testimonya sa Mababang Kapulungan na tumanggap si De Lime ng mil­yong pisong mula sa droga noong ito ay kalihim pa ng DOJ na ang kanilang testimonya ay kabilang sa 3 drug trafficking charges na isinampa noong nakaraang linggo ng DOJ sa Muntinlupa RTC.

Hinala ni Aguirre na ang alok sa mga inmates ay bahagi ng nilulutong people power na balak ilunsad sa  Sabado na anibersaryo ng EDSA People Power 1 kaya ang pagbawi sa kanilang mga testimonya ay dapat umanong gawin bago o pagsapit ng February 25 para makahikayat ng mas maraming tao na magtitipon sa EDSA para sa anibersaryo ng People Power at sa ilulunsad na malakihang protesta.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang-duda ang Palasyo sa na­ging rebelasyon ni Sec. Aguirre.

Kabilang sa mga high-profile inmates na nakakulong sa AFP custodial center ay sina Herbert Colanggo, Engelberto Durano, Vicente Sy, Jojo Baligad, at Peter Co.

“Pinatawagan sa isang contact nila na hindi inmate. Binigay ‘yung telepono at tinawagan ang cellphone ginawang nasa speaker phone. Narinig ng walo (inmates). Ni-reject ng walo. Tapos ngayong umaga the offer was repeated but the offerer is now using De Lima,” wika ni Aguirre sa mga reporters.

Aniya, hindi nila binabalewala ang isyung ito bagkus ay kanila itong sineseryoso at hahabulin ang mga nasa likod nito.

vuukle comment

VITALIANO AGUIRRE II

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with