^

Pang Movies

Pag puro indie ang ipalalabas mga sinehan nanganganib magsara!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Iyang sinasabi ng ilang bagong leaders ng industriya na dapat magkaroon ng batas na magtatakda na kailangang ilabas ng mga sinehan ang lahat ng pelikulang Pilipino ay malabo. Counter productive ‘yan. Hindi pa ba nila nakita kung ano ang nangyari noong nakaraang festival kung saan pinilit nilang ipalabas ang kanilang mga indie film? Hindi ba maraming sinehan ang nalugi? Iyong nasa labas ng Metro Manila na hindi sakop ng batas, napilit ba nila?

Ang mga sinehan kasi, na bahagi rin ng industriya ay isang negosyo rin. Kung hindi sila kikita at mag-aabono pa, magsasara ang mga iyan. Lalong walang mangyayari sa industriya ng pelikula.

Ano ang klase ng film development na kaila­ngang gawin? Una, dapat ang unahin nila ay kumumbinsi ng mga taong mamumuhunan sa pelikula. Kung walang mamumuhunan, hindi tatakbo ang industriyang ito. Ikalawa, gumawa sila ng mga peli­kulang gusto ng tao na panoorin. Kung hindi gusto ng tao, hindi mo sila mapipilit na manood. Malulugi ang producers at malulugi ang mga sinehan. Matatawag bang ‘film development’ iyon?

Iyong mga baguhang director na gumagawa ng mga indie, ang lagi nilang sinasabi, ang mga pelikula raw nila ang nananalo ng awards sa abroad. Eh ‘di doon nila ipalabas sa abroad, bakit pipilitin ang mga Pilipino na lunukin ang pelikula nila kung ayaw?

Kung ang mga pelikulang indie na iyan ang gusto nga sa abroad, bakit hindi sila makalabas sa mga commercial theater circuits sa abroad? Bakit ang pagpapalabas nila roon ay puro single screening lang din na ang target ay mga Pinoy?

Minsan napag-uusapan nga namin, at nakaka­kun­sumi. Dahil halata mo na ang mga nagiging leader ngayon ng industriya ay walang alam talaga sa takbo ng industrya ng pelikula sa ating bansa. Sana mag-aral muna sila. Sana makinig muna sila roon sa mga talagang matagal na sa industriyang ito at hindi iyong ang hinahabol lamang ay ang kanilang mga “personal agenda.”

Alfred walang planong palampasin ang Bestlink

Nakialam na ang actor at congressman ding si Alfred Vargas sa naganap na aksidente ng mga estudyante sa Tanay, Rizal. Nangako siya ng tulong na legal at pinansiyal sa mga biktima. Hindi nakikisawsaw  si Alfred. Ginawa niya iyon dahil ang eskuwelahan na nag-organize ng field trip na iyon ay nasa distrito niya sa Quezon City, ang Bestlink College of the Philippines.

Maraming findings tungkol sa aksidente, pati na ang katotohanan na ang bus na ginamit na binili ng may-ari noong 2004, ay isa palang surplus unit na ginawa sa Japan noong 1989. Ibig sabihin, kung totoo iyan ay phased out na nga. Dahil sa distrito niya nagsimula, siguro nga magandang magawan ni Alfred ng panukalang batas na magtatakda talaga ang mga regulasyon sa mga ganyang klase ng sasakyan at sa mga ganyang klaseng field trip.

Pamilya ng Encantadia palaki nang palaki

Si Eula Valdez ang lalabas na reyna ng Ethe­ria sa Encantadia. Palaki nang palaki ang cast ng nasabing serye. Mas marami pang artistang kasama sa serye nila na sikat pa at magagaling.

 

vuukle comment

COUNTER PRODUCTIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with