^

Bansa

12 bagong istraktura ng China sa WPS, bineberipika ng DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagsasagawa na ng beripikasyon ang Department of Foreign (DFA) kaugnay sa ulat ng umano’y  muling pagtatayo ng China ng bagong 12 istraktura sa pinag-aagawang mga isla sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sa luncheon meeting ng mga mediamen na inorganisa ng DFA kahapon sa Diamond Hotel, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na kung totoo ang ulat ay agad silang maghahain ng diplomatic protest laban sa China bagaman umuusbong ang pakikipag-alyansa ni Pangulong Duterte sa Beijing.

“We validate..., we will hesitate to do so (filing of diplomatic protest),” ani Yasay.

Sa kabila nito, sinabi Yasay na kumpiyansa ang Duterte administration sa ipinangakong “commitment” ng China sa Pilipinas na maiwasan ang anumang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Ayon kay Yasay, ang pagtatayo ng bagong mga isla, militarisasyon o paglalagay ng armas kabilang na ang missile sa naturang rehiyon ay isang “provocative action” na malaking banta sa seguridad sa paglalayag at nagdudulot ng tensyon sa South China Sea kaya hindi nila papayagan ito.

Nilinaw din ni Yasay na hindi tinatalikuran ng Pilipinas ang ipinaglalaban nito na pagmamay-ari sa mga isla sa WPS.

Binigyang-diin ni Yasay na hindi makikiisa ang Pilipinas sa mga bansa sa anumang sea patrols at military drills sa lugar dahil magsisilbi rin itong “provocative action” na iniiwasan ng pamahalaan base sa huling kasunduan sa China.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with