^

Bansa

Pro-Digong rally ilalarga

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpapakawala umano ng multi-bilyong halaga ng salapi ang mga sindikato ng droga para wasakin ang kredibilidad ni President Rodrigo Duterte at patalsikin siya sa puwesto.

Dahil dito, isang pro-Duterte rally ang sabay-sabay na gaganapin sa Sabado at Linggo sa Pilipinas at ibang mga bansa. Magtitipon sa naturang araw sa Luneta ang mga supporters ng Pangulo upang suportahan ang kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa iligal na droga, korapsyon at kahirapan sa bansa.

Mangunguna ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) sa pamumuno ni Sec. Guiling “Gene” Mamondiong na Director General ng Tesda, sa gaganaping prayer vigil sa Luneta. Kasama rito ang mga grupo ng PDP-Laban, Kilusang Pagbabago, Hukbong Federalismo, Friends of Rodrigo Duterte (FORD).

Bubuhos sa Luneta ang iba’t-ibang grupo mula sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan upang dumalo sa prayer vigil o candle lighting habang magkakaroon naman ng hiwalay na programa ang mga nasa malalayong probinsiya at ibang bansa.

Idaraos ang rally at prayer vigil sa Davao City; Cebu City; Bacolod City; Ormoc City; Butuan City; Zamboanga City.

Ang ibang mga bansang pagdarausan ay Tokyo, Japan; Macau, China; Dubai, United Arab Emirates; London, United Kingdom; Madrid, Spain; Toronto, Canada; Calgary, Canada; Edmonton Alberta, Canada; Vancouver, Canada; Los Angeles, California; Honolulu, Hawaii; Heyward, California; Paris, France; Hong Kong, China; Netherlands; Kuwait; Abu Dhabi, UAE; Ireland; Melbourne, Australia; Adelaide, Australia; Sydney, Australia; Switzerland at iba pa.

“The drug industry is worth multibillion and I think if somebody would have to stop it, some people who are hurt would really want to see to it that it should continue because they are benefitting at lot from it”, ani Castriciones, na undersecretary din ng DILG.

Ani MRRD-NECC Vice-President for Women Sector at DILG Usec. Emi­ly Padilla, hindi tumitigil sa pagkalap ng tao ang mga kumikilos laban kay Pangulong Duterte para sa kanilang binabalak na pagpapabagsak sa admi­nistrasyon.

Sinabi naman ni Tesda Deputy Director General Alvin Feliciano, na mali­naw sa mga resulta ng mga survey na mahal at gusto ng sambayanan ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t malabong magtagumpay ang anumang pagkilos para pabagsakin ito.

vuukle comment

PRO-DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with