^

PSN Opinyon

Alagaan natin ang mga senior citizen

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Alagaan natin ang mga matatanda katulad ng ginawa ng Makati City at sumunod na rin ang Marikina City. Maganda ang programang ipinatupad ng dalawang lungsod na ito para sa mga senior citizen. Lubos akong humahanga sa mga alkalde ng dalawang lungsod dahil hindi nila pinababayaan ang mga matatanda bagkus kanila pa itong inaalagaan. Kahit ang lungsod ng Mandaluyong at Las Piñas maganda rin ang programa nila sa mga senior citizen.

Bakit kaya dito sa aming lungsod ng Parañaque, tila hindi ko nararamdaman o nababalitaan ang mga programa tulad ng ginagawa ng ibang lungsod sa Metro Manila? Tuwing nagpupunta kami sa City Hall ng Parañaque maganda at malinis ang bahay pamahalaan, magalang ang mga tauhan na sumasalubong sa amin, mabilis ang serbisyo nila sa mamamayan, pero ang ipinagtataka ko kung ano pa ang ibang be­ne­pis­yong nakukuha ng mga senior citizen dito sa aming lungsod.

Meron tayong batas na naglalayong bigyan ng pra­yoridad ang mga senior citizen. Sa iba’t-ibang opisina ng ating gobyerno o kaya sa mga super market meron talagang nakalaang senior citizen lane. Kaming­ mga senior citizen dito sa Pilipinas ay hinahangaan ng mga taga ibang bansa dahil sa magandang bene­pisyo na binibigay ng ating gobyerno. Sa palagay ko ganun din ang binibigay na benepisyo ng kanilang pinuno pero iba dito sa atin sadyang maalaga at ma­alalahanin ta­yong mga Pinoy sa ating kapwa. Sana maipatupad sa buong bansa ang ginagawa ng ibang lungsod dito sa Metro Manila sa mga senior citizen kung saan kapag sasapit ang kanilang kaarawan ay binibigyan sila ng regalo pinapahiwatig na hindi nila nakakalimutan ang mga matatanda.

Huwag naman sana kaming kalimutan ng ating pamahalaan dahil kami’y nagsilbi din sa bayan nung kami ay nakakapagtrabaho pa.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with