Akyat-bahay, nilikida
MANILA, Philippines - Napaslang ang 49-an-yos na umano’y miyembro ng Akyat-Bahay Gang na drug pusher matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen habang naglalakad sa Barangay San Miguel, Pasig City kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Regino “Hustler” Salazar ng Luis Street, Barangay San Miguel.
Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, naglalakad si Salazar sa kahabaan ng Luis Street nang hintuan at ratratin ng tandem.
Sa imbestigasyon ni PO3 Oliver Baquiran, bukod sa kilalang miyembro ng Akyat-bahay Gang, kilala ring drug personality si Salazar na tumangging sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.
- Latest