Rookie cop arestado sa extortion
MANILA, Philippines - Nasakote ng Counter Intelligence Task Force (CITF) katuwang ang iba pang unit ng pulisya ang bagitong pulis matapos itong ireklamo ng extortion sa isinagawang entrapment operation sa Caloocan City kahapon.
Kinilala ni CITF Commander P/Senior Supt. Chiquito Malayo ang nasakoteng suspect na si PO1 Sonny Pacleb ng intelligence section ng Caloocan City Police.
Bandang alas-3:30 ng hapon ayon kay Malayo nang masakote ng pinagsanib na CITF operatives, Northern Police District (NPD) at Caloocan City Police ang suspect sa entrapment operation.
Sinabi ni Malayo na dinakip ang suspect habang tinatanggap ang P1,000 marked money sa kanilang poseur operatives.
Hindi na nakapalag ang suspect matapos itong arestuhin ng mga awtoridad.
Magugunita na ang CITF ay binuo ni PNP Chief Director General Ronald “Bato’’ dela Rosa bilang bahagi ng internal cleansing sa hanay ng PNP.
- Latest