^

Metro

Lolo tiklo sa pekeng notaryo-publiko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos na maalarma ang Valen-zuela City Regional Trial Court, naaresto ng pulisya ang 60-anyos na gumagawa ng pekeng notaryo publiko sa inilatag na entrapment operation noong Martes ng hapon sa nasabing lungsod.

Nahaharap sa mga kasong usurpa-   tion of authority at estafa ang suspek na    si Ramon Saldito ng #2000 Perez Street sa Barangay Gen. T. De Leon ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, unang lumiham si Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela RTC kung saan nagpahayag ng pagkabahala sa natutuk­lasang mga pekeng notaryo publiko. 

Hiniling ng huwes na magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang masugpo ito.

Nagsagawa namang palihim na pagmamanman ang mga tauhan ni P/Senior Insp. Rodrigo Albayale ng Station Investigation and Detective Management Branch hanggang sa makumpirma ang ginagawang iligal na operasyon ni Saldito. 

Nasakote naman ng mga pulis si Saldito kung saan nasamsam ang isang affidavit of loss na pinirmahan ng isang Sheenah Leah Bermido at ninotaryo ng isang Atty. Ricardo Perez na hindi naman umanong otorisadong magsagawa nito. 

Narekober din sa suspek ang dalawang P100 bill na marked money.

Ayon pa kay Judge Santos, ginagawang katatawanan na ng mga namemeke ng notaryo publiko ang mga korte dahil sa kanilang iligal na gawain na kailangan na umanong matuldukan.

vuukle comment

RAMON SALDITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with