^

Bansa

Online sabong pinapatigil sa SC

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bunsod ng umano’y pagkalugi ng pamahalaan ng milyong halaga, pinatitigil sa Korte Suprema ng isang non-government organization (NGO) ang online sabong sa lahat ng Off-Track Betting (OTB) stations sa bansa.

Sa inihaing petition for mandamus and prohibition, hiniling ng Liga ng Eksplosibong Pagbabago Inc. (LEPI) sa Supreme Court na atasan nito ang Philippine Racing Commission (Philracom) na agarang maglabas ng direktiba sa mga OTBs na ipatigil ang pagpapataya sa online sabong, na nag­lalagay anila sa panganib sa horseracing industry sa bansa.

Ayon sa tagapagsa­lita ang LEPI na si Leon Peralta, bilang regulatory board, may kapangyarihan ang Philracom na ipatigil ang online sabong sa mga OTBs, ngunit walang ginagawang aksyon ang ahensya hinggil dito.

Ipinaliwanag ni Pe­ralta na halos 90 percent ng horseracing revenues ay mula sa OTBs, kaya’t malaki ang impact nang pagbibigay ng pahintulot sa online sabong sa mga betting outlets, na dapat sana’y eksklusibo lamang sa horseracing.

Sa pagtaya ng grupo, aabot sa P350 milyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa online sabong.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with