^

Bansa

Duterte binanatan ni de Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinawag kahapon na mamamatay tao at sociopathic serial killer ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Duterte base na rin sa mga inihayag kamakalawa ni dating SPO3 Arthur Lascañas.

“Sa paglantad ni Lascañas, wala na pong natitirang duda na ang atin pong Pangulo ay isang mamatay tao at sociopathic serial killer,” ani de Lima sa isang press conference.

Ayon kay de Lima, nararanasan ngayon ang lahat ng kahibangan sa gobyerno dahil ang namumuno umano ay ang number one na kriminal sa buong mundo.

“Ito na rin po ang dahilan kung bakit natin nararanasan ang lahat ng kahibangan sa gobyerno sa ilalim ng rehimeng ito na pinangungunahan ng numero unong kriminal sa buong Pilipinas, kung hindi man sa buong mundo, walang iba kung hindi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte,”  pahayag ni de Lima.

Naniniwala rin si de Lima na maaring maging basehan ng impeachment complaint laban sa Pangulo ang mga isyung kinakaharap niya sa ngayon lalo na ang mga extrajudicial killings habang siya na ang presidente ng bansa.

Hinamon pa ni de Lima ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na nagsampa ng kaso laban sa kanya na kasuhan rin ang Pangulo dahil may mga lumutang ng testigo kaugnay sa Davao Death Squad katulad ni Lascañas.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with