Spirit ng EDSA ‘di nakakalimutan
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng EDSA People Power Commission na ang desisyon na gawing simple ang pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA people power revolution ay hindi nangangahulugan na binabalewala na ang paggunita dito.
Sinabi ni Joey Concepcion, vice-chairman ng EDSA People Power Commission, gaganapin na ang paggunita sa EDSA anniversary sa Biyernes sa loob ng Camp Aguinaldo sa halip na Sabado gaya ng unang desisyon.
Wika pa ni Concepcion, hindi dapat kalimutan ang legacy ni yumaong Sen. Ninoy Aquino at ang spirit ng EDSA people power kahit simple lamang ang gaganaping pagdiriwang nito sa Biyernes.
Ang tema sa taong ito ng EDSA anniversary ay “A day of reflection”.
“Simplicity does not mean we’re giving less significance to the EDSA 31,” wika naman ni Deputy Executive Sec. Menardo Guevarra.
Para naman kay Cecile Guidote-Alvarez ng Spirit of EDSA group,”We don’t want an amnesia in our nation”.
- Latest
- Trending