^

PSN Showbiz

Sosyalerang aktres maldita na since birth!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na pala nakapagtataka kung bakit hindi masyadong malapit sa kanyang mga kapwa artista ang isang kilalang female personality. Piling-pili lang ang kinakaibigan niya.

Sa linya ng kanyang trabaho ay matindi rin ang kanyang kaartehan. Hindi siya puwedeng basta-basta isama sa dressing room sa kung kani-kanino lang.

Maraming kuwento tungkol sa kilalang babaeng personalidad na ito na labas sa showbiz, galing mismo ‘yun sa kanyang mga kamag-anak, dati na palang maldita ang female personality na ito.

Iba-ibang sources ang pinanggagalingan ng mga istorya, magkakaiba ang sitwasyon, pero ang nag-iisang tema ay ang kanyang kamalditahan.

Sabi ng unang source, “Di ba, galing siya sa isang buena familia? Hindi mo puwedeng sabihin na wala siyang breeding at education. She went to good schools, exclusive pa nga, pero ‘yun na talaga ang ugali niya.

“Hindi siya close sa mga pinsan niya, parang ka-competition ang tingin niya sa mismong mga kadugo niya. Nagre-reunion sila, masasaya ang mga cousins niya, pero siya, deadma!

“May sariling mundo ang babaeng ‘yun! Nagsasaya na ang mga relatives niya, pero wala siyang pakialam, kutingting lang siya nang kutingting sa tablet at phone niya!” naiiritang kuwento ng aming impormante.

Nang mag-artista na siya at nakilala naman, ayon sa mga nakamasid ay lalong naging maldita ang aktres, feeling niya ay milya-milya na ang layo niya sa mga pinsan niya.

Kuwento naman ng isa pang source, “E, hindi naman siya kinaiinggitan ng mga pinsan niya. Kahit konting inggit at insecurity, walang-wala ang mga cousins niya sa narating niya!

“Magkakaiba naman kasi ang pangarap nila, ibang linya ang hilig ng mga pinsan niya, pero kilalang-kilala rin sila sa bonggang negosyo nila ngayon. Panalo ang mga restobar nila!

“Baka siya ang nai-insecure sa mga pinsan niya, sa totoo lang, dahil enjoy na enjoy ang mga cousins niya sa ginagawa nila. E, siya, happy ba siya ngayon?” pag-iiwan ng tanong ng aming source.

Ubos!

Sen. De Lima nasapul ng gulong ng buhay

Sa bandang likuran ng pinagpipiitan kina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ginanap ang selebrasyon ng kaarawan ni Senador Jinggoy.

Ilang hakbang lang ang layo nu’n sa PNP Custodial Center, mas malaki lang ang espasyo sa likuran, kaya du’n nagtayo ng tent para sa mga bisita ng aktor-pulitiko.

Habang papalabas kami ay sinipat naming mabuti ang maliit na bakuran, may kuwento kasing du’n din daw ikukulong si Senadora Leila de Lima, ookupahan daw ng senadora ang kuwarto sa bandang dulo.

Naisip lang namin, sa liit ng lugar na ‘yun ay imposibleng hindi magkita-kita ang tatlong senador, alangan namang maghapon at magdamag lang na magkulong sa kanyang kuwarto ang senadora?

Bilog talaga ang mundo. Kung matatandaan mahigit na dalawang taon na ngayon ang nakararaan ay si Senator Leila de Lima ang nagpabilis sa proseso ng pagkukulong sa tatlong senador na kinabibilangan din ni Senador Juan Ponce Enrile.

Tagapamuno ng Department Of Justice nu’n ang senadorang inuulaol naman nang sangkaterbang kaso ngayon. Sigaw ng halos lahat ng mga news anchors ngayon sa kanilang mga opinyon—syinort-cut ni Senadora de Lima ang pagpapakulong sa tatlong senador.

Naalala tuloy namin ang ilang linya sa piyesang Lupa ni Rico J. Puno. Akmang-akma kasi ‘yun sa mga kaganapan ngayon sa pag-ikot ng gulong ng buhay.

Ang sabi sa kanta, “Kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba. Kung ano ang iyong inutang ay siya ring kabayaran.”

Walang mga shortcut ang buhay. Sa ayaw natin at sa gusto ay may mga senaryong hindi natin sakop at mahirap pigilan-lusutan.

Sabi nga ni dating US President Barack Obama nu’n sa kanyang speech, “There are bends, turns, detours and road blocks along the way. Let’s make peace with the road we travel on…”

Sakto!

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with