^

PSN Palaro

May Game 7

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buhay pa ang nagdedepensang San Miguel Beer nang itagay nito ang 104-88 panalo laban sa Talk ’N Text sa Game 6 upang maipu­wersa ang rubber match sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naitabla ng Beermen ang best-of-seven semifinal series sa 3-3.

Nanaig din ang Beermen sa Game 1 (111-98) at Game 4 (97-86) habang nakuha naman ng Katropa ang Game 2 (87-85), Game 3 (98-92) at Game 5 (101-94).

Matibay na nasandalan ng Beermen si reigning MVP June Mar Fajardo na may double-double na 23 puntos at 21 rebounds habang halimaw din si Arwind Santos na nagdagdag ng 21 puntos at siyam na boards.

“Yung pasensya lang namin ang nagdala dahil  muntik na kami ma-frustrate kanina. Andun lang yung tiwala namin. Kailangan naming ibigay sa susunod na laro para makuha namin ito. Ilalabas na namin ang mga itinatago namin,” ani Santos.

Pakay ng Beermen na makuha ang ika-37 finals appearance habang ang Hotshots ay nagnanais mahablot ang ika-17 cham­pionship stint.

Aarangkada ang do-or-die Game 7 bukas sa parehong venue.

Samantala, puntirya naman ng Star Hotshots na maipormalisa ang pag-entra sa finals sa pakikipagtipan sa Barangay Ginebra sa Game 6 ng kanilang sariling best-of-seven semifinals series ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang ilalabas na ng Hotshots ang lahat ng init nito kontra sa Gin Kings sa alas-6:30 upang masiguro ang ika-28 finals appea­rance.

Nakapitan ng Star ang 3-2 kalamangan sa serye nang iposte ang 89-80 panalo sa Game 5 noong Biyernes.

Solido ang ipinakitang laro ng Hotshots sa pa­ngunguna ni Rafi Reavis na bumira ng 17 puntos at 13 rebounds.  Ngunit maganda rin ang kontribusyon ni Mark Barroca na tumipa ng 12 puntos gayundin nina Paul Lee at Allein Maliksi na may tig-10 puntos.

Nakakuha rin ng tig-walo ang Hotshots mula kina Rodney Brondial at Peter June Simon para sa balanseng atake ng Hotshots.

“It’s all about team effort my team refused to lose. No distractions, we only played hard and played to win. Our players nag-commit sila sa gusto naming mangyari. This is a very defensive game,” wika ni Star mentor Chito Victolero.

SAN MIGUEL 104 - Fajar­do 23, Santos 21, Cabgnot 19, Ross 14, Garcia 9, Lassiter 7, Espinas 5, McCarthy 2, De Ocampo 2, Agovida 1, Tubid 1, Heruela 0, Reyes 0, Van Opstal 0.

TNT 88 - Castro 19, Pogoy 12, Fonacier 12, Reyes 9, Williams 8, Rosales 7, Tautuaa 6, De Ocampo 5, Carey 3, Tamsi 3, Rosser 2, Seigle 2, Golla 0, Sumalinog 0.

Quarterscores: 26-27, 45-53, 70-69, 104-88.

 

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with