^

Punto Mo

EDITORYAL - Katarungan daw para kay Napoles

Pang-masa
EDITORYAL - Katarungan daw para kay Napoles

UMAANI ng batikos si Solicitor General Jose Calida dahil sa opinyon niya na kailangang palayain si Janet Lim Napoles na nahatulan ng 40-taon dahil sa serious illegal detention na ginawa kay Benhur Luy noong 2012. Ayon kay Calida, wala namang kasalanan si Napoles. Hindi raw makatarungan na makulong ang tinaguriang “pork barrel queen” sa kasalanang hindi naman nito nagawa. Nahatulang makulong si Napoles noong Abril 2015 ng Makati City Regional Trial Court dahil sa kasong isinampa ng kanyang pinsang si Luy. Si Luy ang “whistle blower” at tumatayong state witness sa milyong pisong plunder na isinampa kay Napoles.
Sa pagrerebyu umano ng Office of the Solicitor General (OSG) sa mga ebidensiya na pinresenta ng kampo ni Napoles, lumalabas na hindi naman dinetine si Luy sa bahay gaya nang sinasabi ng prosecution. Hindi umano nalabag ang karapatan ni Luy habang nasa bahay sapagkat malaya naman itong nakakagalaw. Nagsisimba pa nga raw ito. Sa mga nakita raw ebidensiya, nakikita ng OSG na may posibilidad na mapawalang-sala ang akusado.

Kung ang OSG na ang nagsasabi na posibleng makalaya si Napoles, maaaring mangyari nga ito. Makakalaya si Napoles at maaaring malusutan din niya ang plunder charges sapagkat ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo puwedeng gawing state witness si Napoles. Ito ay kung lalabas na least guilty si Napoles sa PDAF scam. Kung hindi umano ito ang utak ng scam, posibleng gawing state witness.

Makakalusot si Napoles pagkaraang trabahuhin noon ng government lawyers ang pagsasampa ng kaso na may kaugnayan sa pagmamaniobra niya ng pork barrel fund. Sinubaybayan ito ng mamamayan. Ngayon ay kabaliktaran ang nangyayari sapagkat ang government lawyers ang nagsisikap na kampihan si Napoles. Sabagay opinyon lang naman ito pero maaari ring mangyari. Kung mangyayari, tila taliwas ito sa sinasabi ng Duterte administration na lilinisin sa katiwalian ang bansa. Kailangang patunayan na malilipol ang mga corrupt sa kanyang panunungkulan.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with