^

Metro

P473-M halaga ng ilegal na droga winasak ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigit sa P473 mil­yong halaga ng mga ipinagbabawal na droga ang winasak ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ca­vite kahapon bilang pagpa-paigting ng giyera sa iligal na droga na ipinag-utos ng Pangulong Duterte.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña nasa kabuuang 329,361.59 grams (329.36 kilograms) ng iba’t-ibang uri ng ebidensya ng droga ang sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Integrated Waste Ma-nagement Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martirez City Cavite.

Ang mga nakumpis­kang ebidensya ay kinabibilangan ng me­thamphetamine hydrochloride, o shabu, liquid methamphetamine, co­caine, ketamine, mari­- jua­na, ephedrine, pseudoephedrine, ecstasy, methylephedrine, me-thylphenidate, lorazepam, nitrazepam, clona­zepam, alprazolam, he-roin, codeine at expired medicines.

Ang Thermal decomposition ay proseso kung saan ang iba’t ibang compounds ay sinisira mula sa isang units sa pamamagitan ng init kung saan ang recon­s­truction ng substance    ay imposible.

Base sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, ang ilan sa mga sinira sa aktibidad ay 141,776.43 grams ng shabu na nagkakaha-laga ng P425,329,290; 5,850.25 grams ng cocaine na halagang P22,230,950; 3,621.37 grams ng ketamine na halagang P18,106,850; at iba pang mapanganib na mga droga.

 “Ito ay parte ng mga iligal na droga na nasamsam sa panahon ng operasyon na ginawa ng PDEA na pinagsama ang mga itinurned over ng iba pang partner na drug law enforcement agencies   na hindi na kailangan bilang ibidensya sa korte,” sabi pa ni Lapeña. 

 Sinaksihan ang naturang aktibidad ng mga opisyales ng PDEA at iba pang law enforcement agencies, repre­sentatives mula sa Department of Justice, the Dangerous Drugs Board (DDB), at Pubic Attorney’s Office, Non-Government Organizations (NGOs).

Winasak anya ang nasamsam na iligal na droga alinsunod sa probisyon ng batas na burahin ang hinala ng publiko na ang mga ito ay muling nire-recycle at ibinibenta sa  kalye, dagdag pa ni Lapeña.

Ito na ang ikatlong aktibidad na pagwasak sa milyong halaga ng iligal na sangkap sa droga na ginawa ng PDEA simula ng pamunuan ito Lapeña.

vuukle comment

PHILIP­PINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with