Paggunita sa EDSA day gagawing simple, tahimik
MANILA, Philippines - Idinepensa kahapon ng Malacañang ang mas simple at tahimik na pagdiriwang ng ika-31 EDSA revolution sa darating na ?Pebrero 25.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, panahon na upang mag-move on tayo mula sa nakaraan.
“The emphasis has shifted. It is no longer a celebration of the past. It is now a reflection on what can happen in the future. It is a moving on from those things,” giit ni Abella.
Pinabulaanan din ng Palasyo na kaya ginawang simple ang pagdiriwang ng EDSA revolution ay dahil ang nasabing event ay nakakabit sa Liberal Party.
“No. We think holistically. The whole nation is evolving. We can’t get stuck in the past,” paliwanag pa ni Abella.
Pinuna ni dating President Fidel Ramos na isa sa character ng EDSA revolution ang simple at tahimik na pamamaraan ng pagdiriwang ng EDSA revolution kung saan ay gagawin na lamang sa loob ng Camp Aguinaldo kaysa sa nakagawian na ginaganap sa EDSA.
- Latest