^

Bansa

Duterte hinamon uli ni Trillanes sa P2-B account

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV si Pa­ngulong Duterte na patunayan nito na wala siyang mahigit na P2 bilyon sa bangko.

Sa isang press conference, sinabi ni Trillanes na kapag nailabas ng Pangulo ang transaction history ng kanyang bank account ay magbibitiw siya sa Senado.

“Kaya muli, inuulit ko ang aking hamon na patunayan n’ya na mali ako. Na meron s’yang mahigit P2 billion sa kanyang bank accounts at pag nailabas n’ya ito, yung transaction history n’ya at ako ay mali, ako po ay magre-resign dito sa Senado,” ani Trillanes.

Ipinaalala pa ni Trillanes na siyam na buwan na simula noong una niyang hamunin ang Pangulo pero hindi pa rin umano nito napapatunayan na mali ang kanyang akusasyon.

Sabi pa ni Trillanes, simula ng maupo sa puwesto ang Pangulo ay wala itong ginawa para masawata ang korapsiyon at sa halip ay pinakawalan pa ang simbolo ng katiwalian na si dating pangulong Gloria Arroyo at napipinto pa umanong pakawalan si Janet Napoles na sangkot sa pork barrel fund scam.

Sinabi pa ni Trillanes na mahalagang tanggapin ni Duterte ang kanyang hamon alang-alang sa mga die hard supporters ng Pangulo na naniniwalang malinis siya at hindi korap.

Namudmod pa ng dokumento sa media si Trillanes at ipinapakita ang diumano’y laman ng mga bank accounts ng pamilya Duterte.

Base sa dokumento si Paolo umano ay may P104 milyon; Sara, P121 milyon; Sebastian, P143 milyon; Cielito “Honeylet” Salvador (common-law wife ng Pa­ngulo), P188 milyon.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with