^

PSN Opinyon

Puwede tayong magkaroon ng ‘win-win’ solution

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Parang ang giyera sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang pribadong sector ay umiinit na. Kahapon lamang, kinondena ni DENR Sec. Gina Lopez ang kontrata ng 75 na minahan kahit na may kasunduan sa lahat ng dako ng bansa.  Nasabi ko na sa mga nakaraan kong kolum na ang ginagawa ng DENR secretary ay maganda para sa departamento. Si Sec. Lopez ay kilalang opisyal ng gobyerno na pumuprotekta sa kalikasan hindi lang dito sa atin pati na rin sa ibang mga bansa lalo na ngayon na ang klima sa mundo ay pabagu-bago.

Sinusuportahan ko si Sec. Lopez sa kanyang trabaho sa kabila na ako ay nagtrabaho sa opisina ng minahan.  Alam ko kung ano ang ginagawa ng mga kompanya ng minahan dito sa ating bansa. Hindi naman sila nagkulang dahil iniiwasan din nilang masira ang ating kagubatan. Nung ako’y nagsisilbi pa sa pribadong sector ginawa namin ang Phil. Mining Act of 1995 kasama ang Kongreso at ang Chamber of Mines in the Phil. (CMP).  Ito ay hinangaan ng iba’t ibang bansa tulad ng Australia, Chile at ng iba pang mga bansa dahil tayo ay may pananagutan sa minahan.

Ngayon parang hindi naman tama na ipasara ang mga minahan sapagkat gaya ng sinabi ko, malaki ang pakinabang natin sa mga kompanya ng minahan, ma­raming mawawalan ng trabaho. Sana makahanap tayo ng magandang solusyon na puwedeng magbigay ng m­a­gandang benepisyo sa dalawang partido. Pero kung tayo’y nakapokus lang sa isang bagay lahat tayo’y matatalo sa laban na ito.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with