^

Bansa

Peace talks posibleng ituloy

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CCP-NDF-NPA.

Ito ang inihayag ni Secretary Jesus Dureza ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Café Adriatico sa Malate kahapon ng umaga.

Ayon kay Dureza, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na maaring bawiin ang kanselasyon sa peace talks kung may makikitang malakas na dahilan o compelling reason upang muling humarap sa negosasyon ang panel ng gobyerno.

Hindi naman nilinaw ni Dureza ang sinasabing compelling reason ngunit kanyang sinabi na kung makakabuti sa interes ng mamamayang Filipino.

Aniya, hinihikayat niya ang sambayanan na antabayanan ang sasabihin ng Pangulo kung ano ang mga maituturing niyang compelling reasons.

Binigyang linaw niya na simula’t simula pa ay naging sinsero na ang administrasyong Duterte sa pagsuong ng kapayapaan sa mga leftist, kagaya ng deklarasyon ng unilateral ceasfire at ang pagpapatibay sa joint agreement on safety and immunity guarantee (JASIG) upang makaharap sa negotiating table ang mga kasapi ng CPP, NDF at NPA panel.

vuukle comment

CCP-NDF-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with